Sunday, January 28, 2007

John Lloyyd, nahihirapan sa relasyon

Open na si John Lloyd Cruz at medyo komportable na siyang pag-usapan ang current girlfriend niyang si Liz Uy. Dati-rati ay iniiwasan ni Lloydie ang mapag-usapan ang current love of his life. Hindi naman kaila na maligaya si John Lloyd sa piling ni Liz Uy pagkat madalas silang makitang magkasama sa labas.Sa pakikipagkuwentuhan kay John Lloyd sa launching niya bilang solo endorser ng number one paracetamol sa bansa na Biogesic, wala raw ipinagkaiba ang kanilang relasyon sa mga magsyota.Iyon lang, ang pagiging celebrity niya ay paminsan-minsang pinagkakaugatan ng kanilang hindi pagkakaunawaan.Pilit na inuunawa ni Liz ang pagiging celebrity niya pero paminsan minsan ay nagkakatampuhan ang dalawa dahil sa pagseselos o minsan ay walang panahon si Lloydie sa dami ng trabaho nito.Maligaya man sila ay medyo nahihirapan din sila sa kanilang sitwasyon.Pilit na ipinaliliwanag ni Lloydie sa girlfriend ang kanilang estado. Hindi naman nagtatagal ang hindi nila pagkakaunawaan.Ipinagmalaki ng pamunuan ng Unilab (ang kumpanyang gumagawa ng Biogesic) ang pagkakakuha nila kay John Lloyd bilang endorser dahil sa magandang background ng actor sa kanyang pamily, mga kaibigan at tagasuporta. Ibang magmahal si John Lloyd sa kanyang pamilya at mga kaibigan. Saksi kami rito dahil isa kami sa malapit kay John Lloyd.Naramdaman namin sa kanya kung paano siyang magmahal ng kaibigan. Naging close sa amin si John Lloyd sa ilang beses naming pagsasama sa ibang bansa kung saan nagkaroon kami ng bonding.Kahit nangunguna ang Biogesic sa ating bansa ay lalong lalakas ang benta nito dahil sa kanilang magaling at iginagalang na endorser na si John Lloyd Cruz.

No comments: